Pagsuko

For #ALDUB2ndAnniversary under ADN TINTA KS Project

Prompt : ALDUBDontGiveUpOnUs
[November 27, 2015 Episode]

ALDUBDontGiveUpOnUs

***

Nakaupo sa magkabilang dulo – damdamin ay kapwa kay bigat.
Nasasaktan sapagkat,
desisyon nati’y magkasalungat.
Ginawa ko ang tama at kung ano ang nararapat,
ngunit tila yata huli na ang lahat.

Nakakainis isipin na hindi pa man tayo nakakahakbang –
nakakaapak sa susunod na baitang ng ating pag-iibigan;
ay meron na agad hadlang.
Ang ating balsa ng pag-ibig ay naghahanda pa lamang pumalaot,
ngunit eto’t hinahampas na ng matinding sigalot.
At ang mas nakakalungkot,
unti-unti ko ng nararamdaman ang iyong pagkalas;
Sa aking pagkakahawak mga daliri mo’y dahan-dahan nang dumudulas.
Sa kinakaharap na laban mga paa mo ay nakahanda ng umatras.

Hangin ay numinipis – hindi halos pakahinga.
Dahil sa bigat na pasananin na ilang araw ng dinadala.
Sa dikta ng aking isip, abang puso rito ay kontra.
Masakit – subalit iyon ang sa tingin ko ay tama.

Akin na lamang igigiit sa sarili,
na mabuti para sa ating dalawa itong nangyayari.
Hindi pa naman tayo – kaya pasasaan ba lilipas din itong sakit at hapdi.
Subalit, kailanman…itong mga labi,
ay hindi ko na magagawa pang pilitin ngumiti.
Hindi na..

“Pakinggan mo ko, Maine…pakinggan mo ko.
Gustong-gusto kong lumaban. Para sa atin, sa ikaw at ako. Pero paano?
Paano ako lalaban? Paano ako lalaban, kung wala akong pinaglalaban?”
Tinanong kita ng paulit-ulit,
dahil patuloy pa rin akong kumakapit.
Sarili’y pinipilit,
na magbabago pa rin ang iyong isip.

“Nung sinabi mong hindi mo na ako mahal at may mahal ka ng iba,
‘dun pa lang nadurog mo na ako. Ngayon, tumingin ka sakin?
ngayon mo sabihin sakin, na wala na.
Sabihin mo sakin, na tapos na. Titigil na ako, susundin ko na ang gusto ng lola ko.
sabihin mo…sabihin mong wala na.”

Ngunit sa aking huling mga sinabi ika’y nanahimik,
tumayo – tumalikod.
Sa labis na sakit na nadarama ng puso ay napa-igik,
hanggang sa ako’y tuluyan na ngang nanghina at napaluhod sa sahig.

Ang sakit-sakit.
Hindi ko inaakala na ganito pala kapait.
Ang makita ang iyong iniibig na halos humandusay na sa sahig – sa nararamdamang matinding pagtangis ay namimilipit.
Habang ako…ako ay eto’t nagmamatigas,
umiiyak pero nagpapakatatag.
“Alden, wala na. A-ayoko na…ayoko na. Salamat sa lahat ng ginawa mo,
sa lahat ng sakripisyo mo. Hindi ko makakalimutan ang lahat ng ‘yun, sana maging masaya ka.”

Sana maging maligaya ka,
dahil ako kailanman ay hindi na.
Hindi na ako muling sasaya,
dahil ang aking kaligayahan ay wala na.
Tinaboy na kita.

Ang maramdaman ang init ng iyong yakap ang tangi na lamang babaunin.
Kahit ang iyong mga sinabi ay sadyang mahirap tanggapin,
subalit wala ng magagawa kundi ito ay respetuhin.
Masuyo kang hinagkan – niyapos.
Pinagmasdan muna ang mukha nang lubos,
kinabisado – at sa kabila ng iyong mga luhang masaganang umaagos.
Hinagpis sa aking dibdib ay humahambalos.
Ngunit ikaw pa rin, at mananatiling ikaw lang.
Ang tanging babaeng mamahalin.

 

May-akda: mchay101

An author of sweet books, a poet. Single mom, who took the challenge freeing myself out of the box --- my comfort zone, to see the wider view of earth’s literacy, poetry, and writing. Widen my horizon: to learn, explore, to inspire, and be an inspiration for those other writers like me, who has the potential but lack of courage to try. “Always put in mind guys, that being a writer is a gift. Be proud of it. You are not weird, but special. And write what you feel. Write what you think. And most specially, write for yourself not to impress others.” Twitter & wattpad : mchay101 Instagram: mchay101watty FB: Mchay WP Other story platforms: https://tagalogonlinestories.com/?mref=21

Mag-iwan ng puna