Tampok

Simula

Bagong umaga…

Kay gandang pagmasdan, ang kahel na kalangitan.

Simbolo ng simula, ng bagong pag-asa. Bagong buhay.

Samahan ninyo akong lakbayin ang mundo ng mga salita, emosyon, imahinasyon.

Dito sa aking pahina, ng aking mga mumunting tinig.

Ako si Chay, isang manunulat; isang makatha.

post

Breath…
Inhale
Exhale
Whisper a silent prayer
If it’s not good
Soon it’ll be fine
And if it’s fine then,
everything will be all right

Just… Breathe.

#poetry at 6:07AM

It’s cold
I feel numb
It aches
But I don’t want to argue
I don’t want to start the fight
I feel the heat
It bursting outside my eyes, it’s rolling down my cheeks…
But it still cold
I’m still numb
I still feel the ache…

I hates it.

Sa Piling Ng Dapithapon

 

IMG_20180129_160206ni chaymendi

 

Doon tayo kung saan kinakain ng gabi ang liwanag.
Kung saan pinupuno ng kulay kahel ang langit, at pusong nalulumbay ay napapanatag.
Kung saan may pag-asang mababanaag,
sa likod ng dapithapon.

Magtatampisaw tayo sa mala-kristal na tubig alat,
hindi tayo magpapaawat.
Kahit manuot man sa ating mga kayawan ang lamig,
magtagisan man ang mga bagang dala ng panginginig; hindi tayo aahon.

Magpapatianod tayo sa banayad na galaw ng mga alon,
habang sa himpapawid ay nagkakantahan ang iba’t ibang uri ng mga ibon.
Magkahawak kamay tayo at sabay pipikit.
Habang mga labi nati’y dahan-dahang naglalapit.

Kakapit…
Kahit kadiliman man ay sumapit,
lamunan man ang ating kabuuan ng gabing pusikit.
Mahal, hindi ako bibitaw, hindi magagawang ika’y ipagpalit.
Kahit pa…
Kahit pa, mistulan ka na lamang isang malambong na ala-ala, sa piling ng dapithapon.

Kung saan kinakain ng gabi ang liwanag.
Kung saan pinupuno ng kulay kahel ang langit, at ang pusong nalulumbay ay napapanatag.
Mahal, sa wakas puso ko ngayon ay muli ng panatag.
Puno na ng pag-asa.
Kahit wala ka na,
may tapang na akong suungin ang pusikit na gabi at may ngiti sa mga labing sasalubungin ang bagong umaga.
Nangangarap sa darating na bukas ay muli kang makakasama,
At muli kong masabi ang mga katagang,

“Mahal na mahal kita…”

 

 

 

Photo credits to Ruthie Medina-Illasco

Huwag Matakot Sa Ulan

‘Wag kang matakot sa ulan; bagkus, damhin mo.
Damhin mo ang lamig…
ang nanunuot na lamig sa bawat himaymay ng laman mo.
At panigurado.
May makakapa kang saya sa iyong puso.

‘Wag mabahala kung hugasan man ng ulan ang iyong nakaraan.
‘Wag mangamba kung gisingin ka man nito o pagkalaon ay mahimasmasan.
‘Wag matakot na baka maibalik ka nito sa dati mong katauhan.

Dahil kung ang nakaraan mo’y tigmak naman ng luha;
sumasalimisim sa siphayo at pagdurusa;
bakit hindi na lamang hayaang ito’y mawala?

‘Wag kang mabuhay sa nakaraan,
hindi ka makakahakbang.
Mawawalang saysay ang kasalukuyan;
Ang kinabukusan ay walang patutunguhan.

Hayaan mong hugasan ka ng ulan;
madama ang hapdi, sa bawat patak nito.
Sapagkat sa paraang iyan,
maghihilom ang sugat mula sa nakaraan mo.

Madaramang muli ang pagbabago.
Madidilig ang natatagong saya sa puso;
uusbong ito.
Yayabong, magiging puno;
bubuo sa iyong pagkatao.

Ito’y magiging pananggalang mo;
armas, sa mga susunod na panibugho:
sakit, maling pag-ibig, kalungkutan.

Salamat sa ulan…
Hinugasan niya ako;
ginising mula sa nakaraan,
binuhay nyang muli ang nagkukubling puno.
Ang puno ng kaligayahan,
na sinupil ng pait, hapdi at sakit; dulot ng mapaglarong pag-ibig mo.
-chay. (@mchay101WP)

Pagsuko

For #ALDUB2ndAnniversary under ADN TINTA KS Project

Prompt : ALDUBDontGiveUpOnUs
[November 27, 2015 Episode]

ALDUBDontGiveUpOnUs

***

Nakaupo sa magkabilang dulo – damdamin ay kapwa kay bigat.
Nasasaktan sapagkat,
desisyon nati’y magkasalungat.
Ginawa ko ang tama at kung ano ang nararapat,
ngunit tila yata huli na ang lahat.

Nakakainis isipin na hindi pa man tayo nakakahakbang –
nakakaapak sa susunod na baitang ng ating pag-iibigan;
ay meron na agad hadlang.
Ang ating balsa ng pag-ibig ay naghahanda pa lamang pumalaot,
ngunit eto’t hinahampas na ng matinding sigalot.
At ang mas nakakalungkot,
unti-unti ko ng nararamdaman ang iyong pagkalas;
Sa aking pagkakahawak mga daliri mo’y dahan-dahan nang dumudulas.
Sa kinakaharap na laban mga paa mo ay nakahanda ng umatras.

Hangin ay numinipis – hindi halos pakahinga.
Dahil sa bigat na pasananin na ilang araw ng dinadala.
Sa dikta ng aking isip, abang puso rito ay kontra.
Masakit – subalit iyon ang sa tingin ko ay tama.

Akin na lamang igigiit sa sarili,
na mabuti para sa ating dalawa itong nangyayari.
Hindi pa naman tayo – kaya pasasaan ba lilipas din itong sakit at hapdi.
Subalit, kailanman…itong mga labi,
ay hindi ko na magagawa pang pilitin ngumiti.
Hindi na..

“Pakinggan mo ko, Maine…pakinggan mo ko.
Gustong-gusto kong lumaban. Para sa atin, sa ikaw at ako. Pero paano?
Paano ako lalaban? Paano ako lalaban, kung wala akong pinaglalaban?”
Tinanong kita ng paulit-ulit,
dahil patuloy pa rin akong kumakapit.
Sarili’y pinipilit,
na magbabago pa rin ang iyong isip.

“Nung sinabi mong hindi mo na ako mahal at may mahal ka ng iba,
‘dun pa lang nadurog mo na ako. Ngayon, tumingin ka sakin?
ngayon mo sabihin sakin, na wala na.
Sabihin mo sakin, na tapos na. Titigil na ako, susundin ko na ang gusto ng lola ko.
sabihin mo…sabihin mong wala na.”

Ngunit sa aking huling mga sinabi ika’y nanahimik,
tumayo – tumalikod.
Sa labis na sakit na nadarama ng puso ay napa-igik,
hanggang sa ako’y tuluyan na ngang nanghina at napaluhod sa sahig.

Ang sakit-sakit.
Hindi ko inaakala na ganito pala kapait.
Ang makita ang iyong iniibig na halos humandusay na sa sahig – sa nararamdamang matinding pagtangis ay namimilipit.
Habang ako…ako ay eto’t nagmamatigas,
umiiyak pero nagpapakatatag.
“Alden, wala na. A-ayoko na…ayoko na. Salamat sa lahat ng ginawa mo,
sa lahat ng sakripisyo mo. Hindi ko makakalimutan ang lahat ng ‘yun, sana maging masaya ka.”

Sana maging maligaya ka,
dahil ako kailanman ay hindi na.
Hindi na ako muling sasaya,
dahil ang aking kaligayahan ay wala na.
Tinaboy na kita.

Ang maramdaman ang init ng iyong yakap ang tangi na lamang babaunin.
Kahit ang iyong mga sinabi ay sadyang mahirap tanggapin,
subalit wala ng magagawa kundi ito ay respetuhin.
Masuyo kang hinagkan – niyapos.
Pinagmasdan muna ang mukha nang lubos,
kinabisado – at sa kabila ng iyong mga luhang masaganang umaagos.
Hinagpis sa aking dibdib ay humahambalos.
Ngunit ikaw pa rin, at mananatiling ikaw lang.
Ang tanging babaeng mamahalin.

 

Paano?

Screenshot_2017-07-10-01-18-29-1

[Photo credits to pinterest]

***

Hanggang kelan ba ito mananatili?
Hanggang kelan ba titigil sa paghikbi?
Ang matinding pagtangis na ikaw ang dahilan,
pagluha dahil nasasaktan.

Kelan ba ito hihinto?
Kelan ba matatanto?
Kelan ba susuko?
Kelan ba mababalutan ng yelo ang puso?
Kelan ba magiging bato?!

Ang hirap na.
Ang sakit-sakit nang mahalin ka.
Ayoko na…
Paano ka ba maiaalis sa sistema?
Paano ba ang mabilis na pag-usad?
Matulin na paglalakad…palayo!

‘Yung kasing bilis ng kisap-mata,
o di kaya kagaya ng iyong ginawa – sumabay lang sa hangin at bigla na lang nawala.
Paano ba?
Paano ba tuluyang magising sa bangungot na dala mo?
Paano makakalayo sa iyong anino?
Sabihin mo!
Paano ba makakatakas sa empyerno?

Alas Dos…

Alas dos.
Parehong oras,
Parehong araw – umuulan.
Narito ulit sa krus na daan,
naghihintay – nag-aabang;
Nagbabakasakali…

nagbabakasakaling ika’y magkamali, at dito, ay mapadaan kang muli.

Nakaupo,
ulo ay nakayuko.
Naninigas na bagang sa lamig,
nangangatal na bibig.
“B-bumalik ka na…”
Hiling nitong puso’t isipan, sa gitna ng ulanan kasabay ng kulog at kidlat. Boses na namamalat,
sarili’y malapit nang mawalan ng ulirat.

Subalit saglit na natigilan.
Tumigil yata ang lagapak ng ulan,
sa nangungulupaypay kong katawan?

Napatingala…
Sa nakikita’y hindi makapaniwala.
Sa sobrang kaba ay hindi halos makapagsalita,
sumisinghap – numinipis ang hanging hinihinga.
Hindi alam kung iiyak ba o tatawa?
Nang ang lalakeng nakayukod sa harapan ay makilala —

Screenshot_2017-07-04-12-42-00-1.png

SIYA…

Hindi pa man nasasambit ang kanyang ngalan,
ako’y natulos na sa kinauupuan ng bigla nya akong yakapin at hagkan.
Dito sa krus na daan;
Init ng kanyang pag-ibig ay muli kong naramdaman.
Sa gitna ng nagsasagutang kulog at kidlat,
katawang nangangatal na sa lamig – boses ay namamalat.
Ang minsang tinapos ay muling dudugtungan sa kaparehong oras,
Sa parehong araw – sa gitna ng ulanan,
sa ALAS DOS.

Posas ng Kahapon

Paano kung bigla kang paglaruan ng tadhana…

At muli kayong magkita ng taong tinakbuhan mo noon?

Tatakas ka ba ulit?

O

Pahuhuli na lang – kasama ng pagmamahal mo sa kanya?


***

WAAAAHHHH!! TULONG! YUNG BAG KO! YUNG BAG KOOOOO!!!

Malakas na tili na narinig ko mula sa labas ng noodle house, na muntik  ko ng ikapaso dala nitong inihigop kong sabaw ng ramen.


“Porbida naman, oo! Kung maka timing ka!” Angil ko sa sobrang pagkadismaya.

Pero kahit ano pang himutok ko ngayon, wala akong magagawa kapag call of duty na ang pinag-uusapan. Ito ang  tungkuling sinumpaan ko bilang alagad ng batas. Bilang isang pulis officer, SPO1 Dei Santiago-Arevalo.

Isang matinik na magnanakaw noon, na ngayon ay naghahabol ng dating kabaro.

Kung hindi niyo naitatanong e, comlaude ako sa School of Mandarambong major in dikwat. Pero as you can see mga bes nagbagong buhay na po ako, nang dahil sa kanya at para sa kanya. Ang hepe ng buhay ko, si Richard Arevalo Jr.

At dahil nga ginusto ko ‘to, wala akong karapatang magreklamo. Wala talaga! Kahit gutom na gutom pa ako at ayokong iwanan ‘tong mangkok ng ramen sa harapanan ko. Hindi talaga ako nagrereklamo, hindi!

Arggh! Putcha!! Sa isip na lang ako magmumura. Para safe.

Si-simple pa sana ako ng isang higop ng mainit sabaw, pero biglang nagsalita si Peter. Ang kaibigan kong bakla na may-ari ng mamihan.

“Sarj, pulis daw o! Mamaya na mag-jegop. Tawag na ng pangangailangan ateng!” Aniya.

Isa rin ‘tong bastos eh!” Marahan kong sabi, at padaskol na ibinababa ang hawak na kutsara sa ibabaw ng mesa. Pagkatapos dagli kong isinuot ang police cap ko.

“Oo na! Itabi mo itong ramen ko ah, pakuluan mo ulit para maibuhos ko dun sa hinayupak na snatcher na yun!” Bilin ko kay Pit with conviction, tsaka kumaripas na ng takbo palabas ng noodle house bago pa man ito sumagot.

Sakto naman sa paglabas ko, nakasalubong ko yung ali na ninakawan ng bag at agad na  itinuro sa akin kung saan nagsuot ang magnanakaw. Pumasok raw iyon sa may looban. Mabuti na lang at kabisado ko ang lugar na yun. Doon rin kasi ako nagsusuot noong dikwat days ko.

Takbo, lakad, takbo. Halos nakataas na ang laylayan ng skirt ko, pero wala akong pake. Naka-focus ang isip ko sa pagtakbo para maabutan ang snatcher, at hayun na nga nakita ko na siyang sumuot sa isang iskinita.

“Pumasok na ang daga sa lungga! Ngayon, wala ka ng kawala sa’kin damuho ka!”

Sambit ko, at biglang tinalon ang isang nakaparadang kareton sa tabi. Dinig ko pa ang palakpakan ng mga tindera sa palengke dahil sa ginawa ko, napangiti tuloy ako. Daming fans eh.

Dahil sa cooperation ng mga tao sa ginawa kong pag-responde, mabilis ko siyang nahabol. At hayun na nga, na-korner ko ang daga.

“Psst! Hanggang diyan ka na lang! Pulis ‘to! Taas ang mga kamay!!” Utos ko sa lalaking nakatalikod mula sa’kin, mukhang big time na sa pagnanakaw ang isang ‘to. Lakas maka-leather jacket ang loko! At may pabonet pang nalalaman eh, tiklo din naman.

Agad naman itong sumunod . Kaya dahan-dahan ko siyang nilapitan, habang kinakapa mula sa likod ko ang posas na nakasabit.

Pero nang tangka ko ng hahablutin ang mga kamay niya para lagyan ito ng posas, ay mabilis siyang umikot. Tinapik ang kamay ko na may hawak na baril sabay pinihit ito patalikod at isinandal ang maliit kong katawan sa pader.

“Tangina!” Mura ko sabay singhap. Ramdam ko ‘yung sakit sa pagkakapilipit ng braso ko. Wala pang ibang nakagagawa sa ’kin ng ganito, kundi si Ric lang. Ugh! damuhong ‘to!

Kaya mabilis kong inapakan ang paa niya. At napahiyaw siya sa sakit. Eh may takong ba naman.

“Aray!”

Pamilyar ang baritonong boses niya, pero hindi ko yun binigyan ng pansin. Lumuwang ang pagkakadiin niya sa’kin sa pader, kaya tyansa ko na rin para sipain ang tuhod niya mula sa likod para tuluyan ng makawala sa pagkakahawak niya. At nagtagumpay naman ako.

Sunod kong hinagilap ang baril na nabitawan ko kanina, nakasuksok ito sa ilalim ng pinagpatong-patong na lalagyan ng gulay. Bigla akong napatingin sa kanya, nagtama ang mga paningin namin. Pamilyar ang mga pares ng mga mata niya, ang hugis ng mga labi niya.

Putcha! Hindi kaya…

Natigilan ang panandaliang pag-iisip ko ng bigla siyang gumalaw para kunin ang baril. Pero bago pa man niya mapulot ito, dinambahan ko na siya at sabay kaming napahiga at pagulong-gulong sa maruming sahig ng eskinita. Walang tao na nagagawi rito sa mga oras na ito, kaya malamang walang reresponde para tulungan ako.

Muli nanaman akong na-trap sa mga braso niya, nakadagan siya sakin habang nakataas ang mga kamay ko sa may ulo ko. Naka saklang ang mga hita niya sa pagitan ang maliit kong katawan. ‘Di ko kinakaya ang posisyon na ‘to. Gahd.

“FUCK!! Bitiwan mo ako!? Arghh! Makawala lang talaga ako sayo, tangina mo! Lagot ka sa akin!”

“Owoow!! Easy, Sarj. Easy…baka gusto mo muna akong halikan, bago mo ako gulpihin…my beautiful my wife.” Aniya, na nakangisi ng nakakaloko. Natigilan ako. Nahinto sa pagpupumiglas.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung dala ng excitement nang marinig muli ang boses niya. O kaba dahil pagkatapos ng dalawang taon, nasukol niya ako.

“R–Ric?”

Hindi siya sumagot, bagkus nginitian niya ako ng ubod ng tamis. Ang mga ngiti niya na nagpapalambot ng mga tuhod ko parati.

Oh, shit!

Inalis na niya ng tuluyan ang bonet na nakatakip sa mukha niya. Tsaka nagsalita,

“Yes, mahal ako nga. Miss me? Kasi ako…sobra!”

Biglang bumaba ang mukha niya sa mukha ko, at sunod ko na lang naramdaman ay ang pagtama ng malalambot niyang mga labi sa mga labi ko. Pinagsiklop ang mga palad namin sa isa’t-isa at mas naging agresibo ang galaw ng mga labi niya kada segundo. His kiss was so intoxicating, as always.

“I miss you..too..Ric. Sagad..”

Buong puso kung sabi, habang umaagos ang mga luha ko sa pisngi. I’m sobbing while moaning between our passionate kiss. The kiss that I longing for so long.

Hindi ko maiwasang balikan ang mga nangyari, two years ago. Kung pa’no o bakit kami naghiwalay ng landas.

#


Flashback…

“Love, umalis kana! Hayaan mo na ako dito. Hindi ako sasaktan ni kuya, pero ikaw, oo. At ayokong mangyari yun. Kaya please lang, umalis ka na!”

Nasa loob kami ng isang lumang warehouse na pinagtataguan ni Kuya Jeric, sapilitan niya akong kinuha at itinago kay Ric pero nahanap ako ng asawa ko at balak niya akong kunin ulit, pero pinigilan ko siya.

“Dei, hindi. Itatakas kita. Hindi ko hahayaan na bumalik ka sa dati mong mundo. Haharapin ko ang halang na bituka ng kapatid mo. Basta ipangako mo; Dei mahal, sasama ka sa’kin. Maliwanag?!”

“Pero Ric–”

“Maliwanag ba Dei? Itatakas kita rito, at ako ang haharap sa kapatid mo. Mahal na mahal kita..”

Hindi ko na nagawang magprotesta pa ng bigla niya akong yakapin at halikan.

“Mahal na mahal din kita, Ric. Mahal na mahal..”

Isang paghikbi na lang ang nagawa ko sa mga bisig ng asawa ko. Pero lingid sa kaalaman namin ni Ric, sa hindi kalayuan ay may isang sumpak na nakatutok sa mga ulo namin. At kasing bilis ng kidlat ang sumunod na pangyayari, hindi ko napansin ang mabilis na pagdaan ng bala ng sumpak sa may ulo niya.

At ang tanging nagawa ko lang ng makita ko siyang duguan at wala ng malay sa pagkakayakap ko, ay sumigaw at humingi ng tulong sa mga kasamahan niyang pulis na nakatago sa paligid.

Wala akong ibang sinisi sa mga nangyari kundi ang sarili ko, isinumpa ko mismo ng araw na ‘yun, na ako mismo ang huhuli sa kuya ko; at kahit na ikamatay ko pa.

Na-comatose si Ric dahil sa naging pinsala sa ulo niya. Mali, pero napagdesisyunan ‘kong iwanan siya. Una, hangga’t alam ng kuya ko na konektado ako sa mga pulis babalikan at babalikan nila ako at si Ric. Pangalawa, ayokong ang mga magulang mismo ng asawa ko ang magtakwil sa akin paalis. Oo, tutol ang mga ito sa ginawa naming pagpapakasal. Hindi nila tanggap ang nakaraan ko, at hindi raw ako ang babaeng nararapat para kay Ric, pero dahil sa mahal ako ni Ric, hindi sya nagpapigil sa mga magulang niya. Nagsama kami, kahit pa ang kapalit nun ay ang itakwil siya ng mga magulang. Isipin nyo ng duwag ako, pero ang pagsuko kay Ric sa kabila ng kondisyon niya ang tanging naisip ko para sa ikabubuti niya.

Napadpad ako sa isang probinsya kung saan malayo sa mga mata at galamay ni Kuya, oo, nakatakas si Kuya sa mga kamay ng kasamahan ni Ric na pulis. At yun ang ikinatatakot ko kaya ako umalis sa piling ng asawa ko.

May isang biyudang ginang ang kumupkop sa’kin pagkatapos akong makitang nakahandusay sa kalsada ng walang malay-tao. Doon ko rin nalaman na buntis ako sa anak namin ni Ric na si Revo. Nalaman ni Mama Tena ang kwento ko kaya naawa siya sa’kin at pinayagan akong tumuloy sa mansyon niya ng walang pag-eembot sa kabila ng nakaraan ko bilang magnarakaw. Itinuring niya akong isang tunay na anak, hanggang sa ipanganak ko si Revo.

Kasabay ‘nun ang nabalitaan kong pag-alis din Ric at ng parents niya papuntang Amerika, pagkatapos nitong magka-amnesia pagkagising niya mula sa pagkaka-comatose. Masakit at mahirap pero pinilit kinaya ko.

Mula sa naipon naming pera ni Ric, nagtayo ako ng maliit na panaderya sa tulong na din ni Mama Tena. Kasabay ‘nun, nag-aral ako ng kursong criminology nang mag-isang taon si Revo. After two years, pumasok sa serbisyo intel ng mga pulis at kalaunan na-absurb ako sa serbisyo. Muli kong binuksan ang kaso ni Kuya, at muli natunton ng SWAT ang kota niya.

“Sumuko ka na kuya! Wala ka ng tatakbuhan pa!” Pasigaw kong sabi kay kuya, habang nakatutok sa kanya ang 9mm na revolver.

“Tapang mo na ha!?”

“Oo tarantado! Kaya hindi mo na ako mauuto ngayon sa mga kagaguhan mo! Rinespeto kita, pero pinahamak mo lang ako taong pinakamamahal ko! At ngayon sisingilin na kita sa ginawa mo!”

“Yun eh, kung mahuhuli mo ko?!”

Sinipa niya ang baril sa mga kamay ko, at nagtagisan kami ng lakas. Sa kanya ko unang nagamit ang training ko sa karate, habang nag-aaral ako ng criminology. Sa bawat suntok na bibibitawan niya ay ang mabilis na pag-iwas ko. Sa isang maling pagsipa niya, nahawakan ko ang paa niya at natumba siya. Pero sinipa niya ako sa mukha dahilan para mapatilapon ako, agad niyang kinuha ang pagkakataon para gumapang at kunin ang baril ko sa malapit ngunit bago pa man niya makuha ito ay nabaril na siya ng isa sa kasamahan ko sa SWAT. Tinamaan siya sa ulo, dahilan para ideklara si kuya na dead on the spot. Bilang isang kapatid, ‘di maiaalis sa akin ang malungkot dahil sa kinahinatnan niya, ngunit bilang asawa; masaya ako at nabigyan na ng hustisya ang nangyari sa kanya.

***

[Ric]
——

Isang taon akong na-coma, at kasabay sa pagmulat ko nang araw na yun, ang pagkawala ng mga alaala ko. Dalawang taon akong nabaon sa amnesia, at hanggang sa ngayon wala pa rin akong maalala sa nangyari sa nakaraan ko. Ang tanging alam ko lang, isa akong successful businessman sa New York; CEO ng isang clothing company doon at walang inatupag kundi magpayaman. Pero behind my success, ramdam ng puso ko na may kulang. Na kahit anong bilyong salapi ang hawak ko, hindi nito mabili ang puwang na kasiyahan dito sa puso ko, na inahanap-hanap ko’t hindi mawari kong ano.

Until one time…

“Ric? Bok?!” bulalas sa akin ng isang pinoy na nakasalubong ko sa daan. Isang araw ng mamasyal ako mag-isa sa central park, to clear some thoughts in my mind na hindi ko alam kung pa’no at bakit nag-eexist sa utak ko.

Nginitian ko lang siya, para naman hindi awkward sa laki ng tuwa niya na makita ako, behind the fact na hindi ko siya kilala.

“Pasensya kana, pero…magkakakilala ba tayo?” Tanong ko na ikinakunot ng noo niya, kasabay ng pagkunot ng mga open pores niya sa pisngi.

“Tangina mo, SPO4 Richard Arevalo! Tatlong taon tayong nagkasama sa serbisyo sa Pinas, hindi mo ako makilala!? Gago ka din noh?!–” Disappointed niyang sabi, pero bigla siyang natigilan na para bang may masamang naalala. “Shit! Oo nga pala, my 45! Sorry, nakalimutan ko. Nagka-amnesia ka pala, after mong mabaril sa ulo 3 years ago. Dito ka pala dinala kana ng parents mo para magamot.” Dagdag pa nito, and this time ako naman ang nag-freeze dahil sa nalaman ko. Oo, na coma ako pero ang alam ko, yun ay dahil sa car accident at hindi dahil sa tama ng baril sa ulo. So ibig sabihin, my parents lied to me all this years?! Or…baka isa rin ‘to sa mga kasinungalingan? Argh! Hindi ko alam. Naguguluhan ako, sumasakit ang ulo ko.

Pero magka gayunman, upang malaman ang ang buong kwento sa  tungkol sa nakaraan ko; I invited James, his name, over coffee at ‘sa kanya ko napag-alaman na police daw ako at partners in crime daw kami sa Pinas. At isa din sa naikwento niya na nagpabilis sa tibok ng puso ko, at nagpakaba rito ng husto ay ang pangalang Dei Santiago-Arevalo.

“Arevalo? Is she connected with me?” Kako.

“Asawa mo siya, Ric.”

Asawa..asawa…asawa..asawa..

Paulit-ulit na echo ng salitang ‘asawa’ sa isipan ko, dahilan para sumakit lalo ang ulo ko. At sa sobrang sakit nito, bigla akong nahilo at ang huli kong naaalala ay ang worried na boses ni James at ang pagtama ng ulo ko sa kanto ng mesa na kinauupuan namin sa loob ng coffee shop.

Nang mga oras na mawalan ako ng ulirat, sa likod ng pagkakapikit ko, naglalakbay ang isipan ko sa nakaraan. Parang nanunuod lang ako ng cinematography ng buhay ko, from birth up to now. And si Dei, ang mahal kong asawa, naaalala ko na siya. Ang sama ko lang to forget all about us. Yung una naming engkwentro, nang mahuli ko siyang kinukupit ang pitaka ko sa bulsa. ‘Yung tapang at bilis niyang tumakbo para lang makatakas sa’kin. Kasunod na eksena ay yung pangalawang beses ko siyang nahui at ikinulong. Mangiyak-iyak na siyang nagmamakaawa sa’kin and that’s the only time na kinaawaan ko ang isang mandarambong. ‘Yun pala I felt something behind, since the very first day we met. At simula ‘nun, hindi na siya nawala sa paningin ko. Lahat ng pinupuntahan niya nandun ako, to make sure na she’s safe. At kalaunan nga, hindi na ako nagkasya sa ganung set up at linagyan ko na siya ng posas. Hindi sa mga kamay, kundi ang puso namin sa isa’t-isa. I confess na mahal ko siya, habang tinututukan ko siya ng baril. I asked her, kung pwede ba siya pakasal sa’kin ng minsang nasa loob siya ng kulungan. Anyway, hindi siya makakalabas if she won’t say ‘No’. At yun nga, that day mismo nagpakasal kami sa huwes at tuluyan ko na siyang ikinulong sa puso ko.

Mahal na mahal ko ang asawa ko kahit pa, basta na lamang siyang umalis at iniwan ako habang nasa ganung kondisyon ng walang pasabi. But I do understand her, alam kong sinisisi niya ang sarili niya sa pagkakabaril ko. Na mismong sa kamay ng kapatid niya nanggaling ang baril na sanhi ng muntik ko ng ikamatay.

Nalimutan man ng isipan ang mga alaala buhat sa nakaraan…Ang tunay na pintig at tibok ng tunay na pag-ibig ay hindi basta malilimutan.
Kaya after kung makalabas ng hospital, I immediately took a flight pauwi sa pinas at puntahan siya sa dati naming bahay. Pero pagdating ko sa Laguna, wala na siya dun at matagal na. Nakipag coordinate ako sa dati kong mga kasamahan na pulis para hanapin siya, at dito nga sa Bulacan ko siya nahanap. Bilang SPO1 Dei Santiago-Arevalo at ngayong natagpuan ko na siya, hindi na ako papayag na takasan niya pa ako ulit. Not even my throbbing gun.

“Fuck! Ba’t ang iksi ng skirt niya!? And she’s running as wild manta. Tangina!”

Biglang sabi ko, sabay baba sa big bike na dala ko at tumakbo rin para sundan siya. She’s chasing a snatcher, at ako naman heto nakiki chase din. Pero may naisip akong ideya, how can I caught her off guard. I wear my bonet at ako ang nagpahabol sa kanya, para akalain niyang ako ang snatcher. At nang mahuli niya ako, and heard her voice again after 3 years na-excite ako. At nakipag role play sa kanya, I pinned her on the wall, nakipagtagisan ng lakas at agawan ng baril sa kanya and at the end, nakulong ko ulit siya sa mga bisig ko. Sa tindi ng karisma ng asawa ko, hindi ko mapigilang halikan siya. A full of hunger and needy kiss, na inahanap-hanap ng sistema ko all this years. I sucked her lips, twirled my tongue inside her mouth and explore every corner of it.  And I know, sa bawat pagganti niya sa halik ko, we are at the same page.

 

***

[Dei]
——-

Mabuti na lang nasa tagong lugar kami, at walang nakakita sa ginawa niyang paghalik na ginantihan ko naman.

“Ric, I need to go. Yung snatc–what the! Bakit ako may posas?!”

“Para hindi mo na ako iwan ulit, and you have the right to remain silent, wife. Hangga’t hindi ko sinasabi, areglado!?”

“E, pa’no kung ayaw k–ARAY! Putcha! Lips ko.”

“Ano? Tahimik o kagat?!”

“Gago ka pa rin!”

“Gago sayo, wife. Kaya sumama ka sa akin ng tahimik. At para kunwari nahuli mo ako, ipuposas ko rin ang sarili ko. Habang HHWW tayo?”

Di ko mapigilang humagikgik dahil sa kilig. Ewan ko ba? Nawala na sa isip ko yung snatcher at tumakas. Nagpakidnap na lang ako ng kusa.

***

Dinala ni Ric si Dei sa dati nilang bahay sa Laguna. At mula sa bakuran, isinampa niya ito sa balikat paakyat papasok sa loob, hanggang sa kwarto nila. At dun sa luma nilang kama niya ito hiniga. Ang buong akala niya tapos na ang posas moment nila; hindi pa pala, dahil nagawa pa nitong i-posas ang mga kamay ng asawa sa headboard ng kama as part pa rin ng parusa. Pero, again…hindi nagprotesta si misis, guilty kasi.

At ngayon nga, dahan-dahan na niyang binabalatan ang asawa. Para tuloy itong hubad na palaka sa ibabaw ng kama, habang isa-isa na rin nitong tinatanggal mga saplot niya.

“Ngayon, sagutin mo ang mga tanong ko, habang ginagawa ko ‘to.”

He slid his two digits into her expose dry core ng walang pasabi, habang minamasahe ng hinlalaki niya ang kuntil niya, aggressively. Kasabay ng paghimas na kabilang kamay niya sa isa nitong dibdib.

“Putchaaaahhh..police brutality ‘tooohhh..Ric..”

Natawa si Ric sa police brutality na sinabi ng asawa.

“Then, gumanti ka…fuck me back, love. Gaya ng dati…”

Without warning, dinagdagan pa ni Ric ng isa niyang daliri ang dalawa. Marahan na ipinapasok-labas sa pwerta nito, na nagpatiim-bagang kay Dei. At kalaunan ay naging agresibo at mabilis ang ginawang pagpasok-labas kasabay ng marahang pagmasahe ng hinlalaki niya sa kuntil nito.

“Second. Para sa maiksi mong skirt na maikli na nga, itinaas mo pa.”

“Gagoooohhh..hindi maiksi yun! Aahh..seloso ka lang! Oh, shit! aahhh..”

Biglang binunot ni Ric ang mga daliri nya, and used his pointed tongue instead. Ipinasok-labas na may madiin na pagsipsip sa nakausli niyang laman.

“Uhhmm..fuck..Dei..uhhmm..I missed..this..”

Higop sabay kiliti ng dila nito sa nanginginig niyang pwerta, dahilan para siya ay tuluyan ng labasan.

“Ghaaad..Ric..I’m..Ohhhmm…” Ungol ni Dei, habang niluluwa ang mainit niyang katas. Na sinasalo naman ng dila ni Ric mula sa kanyang butas.

“Uhmm..ang sweet energizer ko..”

Nakatingin lang ang pawisang si Dei dito, hanggang sa tumayo ito at naghubad na ng damit, down to his last cover.

“Three, para sa pag-iwan mo sa’kin 3 years ago.”

He teased her swollen clit with his mushroom tip, moving it in a circular motion habang nagsasalita si Dei.

“Gahd! Ipasok mo na, please.. Mamaya na ako sasagot! Stop torturing me, love..Aaah..”

“So, love mo na ako ngayon?”

“Wala namang nagbago.” Sagot ni Dei, sabay sa biglang pagpulupot ng mga hita niya sa bewang nito at kinabig ito palapit. Kaya biglang pasok ang pagkalalaki ng asawa sa pwerta niya.

“Hokage ka, Sarge! Atat ka na sa sago ko?”

“Dami mong koda Arevalo, raid na!”

Muling siniil ni Ric ang mga labi ng asawa, habang sabayang humahagod ang bawat balakang pasalpok sa isa’t-isa: Swabe na may diin, paikot, mabilis na mabilis na paglabas-pasok.

Ang mga labi ni Ric ay bumaba, salitan na inaangkin ang matigas nyang utong. Umarko ang likod ni Dei; kasabay ng pagkuyom ng mga paa sa likod ng asawa.

“Aaahhhh..mahal…Ric..”

“I love you, Dei…uh.uh.uhhhh..”

Sa isang madiin na pagkasa, ang bomba ng pangungulila ay tuluyan nang sumabog at rumagasa; kasama ng sabayang paghagod, ang tunog ng bawat pagsalpok…

…at awit ng pag-ibig ang namutawi sa bawat mga labi sa pamamagitan ng iisang ungol.

“Mahaaahhhhhaaal..”

***

“Tiyak matutuwa si Revo, kapag nakita ka.”

“Revo? Sinong Revo?”

“Anak mo. Anak natin.”

Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Ric, hindi ito makapaniwala sa narinig.

“Huh? Anak? Tayo?”

“Opo, mahal. Buntis ako nang iwan kita, pero huwag kang mag-alala alam nya ang lahat. At hinihintay nya na ang pagbabalik mo. Sa wakas, mabubuo na ulit tayo Ric.”

“Oh, Dei…”

‘Yun lang ang mga salitang huling narinig sa apat na sulok ng kwarto, nang muling siniil ni Ric ng isang mainit at matamis na halik ang mga labi ng asawang si Dei. Inihahanda ang mga sarili para sa susunod na baby.


**Wakas**


Alaala…

Prompted by kathartickat :

Screenshot_2017-06-21-22-23-27-1

***

Nanunuot sa katawan ang lamig,
sa gitna ng pusikit na gabi.
Isipa’y puno ng ligalig,
hindi mapakali.
Tila diwa ay hinihigop ng
pwersang gawa ng uniberso.
Isang itim na butas pabalik sa
nakaraan ko,
Sa nakaraan kung saan ay
meron pang tayo.
Pabalik sa panahong kapiling ka,
sinta.
Magkahawak-kamay tayong
dalawa, habang nakangiting
inaabot ang langit – niyayapos
ang naglalakihang ulap.
Magkasama – magkayakap.
Ungol at daing nating mga
liriko ng isang matamis na
sonata.
Indayog na kailanman ay
mananatiling sa ‘yo lamang,
sinta.
Mainit na halik na alay lamang
sa isa’t-isa, hanggang sa gabi ay
maging ganap na umaga.

Subalit, ang lahat ay nahulog sa
isang masamang panaginip.
Na sa isang banayad na
pag-ihip, wala ka na.
At ang ikaw, sinta, ay
mabubuhay na lamang sa isang
alaala.
Sa likod ng mariin na
pagkakapikit, bumulusok ang
luhang walang kasing pait.
Mga luha na akala ko ay hindi
na muling babalisbis,
sapagkat natuyot na dala ng
araw-araw na pagtangis.
Paanong ang salamisim ng
pag-ibig mo,
na dati ay bumubuhay sa bawat
patak ng aking dugo;
ngayo’y nagsisilbing punyal na
humihiwa sa bawat himaymay
ng aking pagkatao?

Sinta, upos na upos na ako –
hapong-hapo.
Sa mundo ng kadilima’y iahon
mo.
Muli mong hawakan ang mga
kamay ko,
ating muling abutin ang langit –
ang mga ulap.
Labis ko ng hinahanap-hanap
ang higpit ng iyong yakap.
Ang iyong tinig na isang
matamis na sonata sa aking
tenga.
Madamang muli ang init ng
iyong mga halik na nagsisilbing
aking ligaya.
Hindi etong mainit na mga luha,
na walang sawang umaagos
mula sa aking mga mata.

“Katrina…”

 

Tapos na…

Screenshot_2017-06-21-22-11-38-1.png[photo credits to the owner]

Inspired by the song, “Only Love” by Trademark.

***

Alas dos,
kasabay ng ulan na kay lakas ang pagbuhos.
Ang panimdim ay tuluyan ng natapos.
Piniling pakawalan ang isa’t-isa sa mahigpit na pagkakagapos.
Kapalit ng bawat mainit na halik at yapos;

“Paalam na…”

Talikuran,
tinumbok ang magkaibang direksyon ng daan.
Nanlalamig – basang-basa sa ulan.
Subalit wala ng mas lalamig pa,
sa relasyon nating kapwa tinuldukan.

Dinig ko pa ang paghakbang ng iyong mga paa,
mabagal – paisa-isa.
Palayo, kasabay sa tunog ng pagbagsak ng ulan;
Paghikbi ay pinipigilan,
subalit hindi rin nakayanan.
Bumalisbis ang masaganang luha,
dinilig ang tigang na lupa.
Dinidilig ng pait at siphayo sa unti-unti mong pagkawala.
Wala na…

Huli na, nang maisipang lingunin ka.
Huli na…at hindi na maibabalik pa.
Pinakawalan ka, dahil kailangan mong maging masaya.
Nasasakal ka.
Ako’y nasasaktan mo na.
Marahil nga, hindi ito ang tamang panahon para sa ating dalawa.
Tamang panahon na masasagot ng mga katagang, ewan at bahala na.

Subalit kailanman, ay hindi ko malilimutan.
‘Yung malakas na ulan sa alas dos,
habang nagsasagutan ang kulog at kidlat sa kalangitan.
‘Yung hagulgol kong namamaos,
sa gitna ng nagpapaligsahang patak ng ulan.
Habang sa lupa ay unti-unting natutulos.
Nagpapatianod sa sariling mga luha hanggang sa hinagpis ay tuluyan ng maubos.
Kung saan wala na ang init ng iyong mga halik at yapos.
Dahil ang “tayo” ay sabay nating tinapos.